A lifelog of a well-travelled single parent who had a life extension in 2000, blogs indiscriminately about her journey through life fulfilling unfinished business and promises that will soon complete her existence...

::Meningococcemia

Friday, November 19, 2004

Ayon sa napanood ko sa GMA7's 24 Oras ngayong gabi, lubhang nakakabahala ang sakit na Meningococcemia na nakapatay na ng 5 katao sa Baguio City. Para sa kaalamanan ng mga Pinoy na malapit sa lugar ng Baguio General Hospital and Medical Center sa Baguio City, umiwas muna kayo dahil may outbreak ng Meningococcemia doon. Sa loob lamang ng 24 oras ay maaari diumano na mamatay ang pasyenteng apektado ng sakit na ito na nakakahawa.

Mga sintomas:

  • Pananakit ng ulo
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng katawan
  • Stiff neck
  • Convulsion
  • Iritable
  • Pasa-pasa sa katawan

Para sa higit na kaalamanan, basahin n'yo na rin ang Medline Plus Encyclopedia: Meningococcemia. Maaring iwasan ang mahawahan kayo sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Kumain ng wastong pagkain.
  • Ito ay airborne kaya huwag lumapit sa pasyenteng maysakit.
  • Kailangan ng wastong anti-biotic, kung sakaling napalapit sa may sakit.
  • Huwag magpanic. Makibalita.
  • Umiwas sa mga mataong lugar.
  • Kumunsulta sa doktor, kung sakaling mayroon kayong karamdaman.

Posted on November 19, 2004 11:50 PM TrackBack


butterfly Let me know you were here, your thoughts are welcome!

Nabalitaan ko ring meron nang pasyenteng namatay sa San Lazaro Hospital.

Sinuman ang mahawahan ay kawawa naman.... ingatan sana ng Diyos ang mga anak ko.


Posted by: Laila* on November 22, 2004 05:46 PM

at huwag maghanap ng bakuna kasi walang stock. mag-ingat na lang kayo. hmmm... mayroon na raw isang case sa San Lazaro Hospital in Manila. Galing daw sa Antipolo ang pasyente.


Posted by: Sonny on November 22, 2004 03:35 PM

Please write responsibly. Thank you!









Remember personal info?







butterfly
© 2003-2007 Laila*
This site is licensed under a Creative Commons License.