A lifelog of a well-travelled single parent who had a life extension in 2000, blogs indiscriminately about her journey through life fulfilling unfinished business and promises that will soon complete her existence...

::Akala Ko

Friday, August 26, 2005

Akala ko noong gipit na gipit kami, kapag naibenta ko na ang bahay at lupa namin eh magiging maayos na ang takbo ng pag-iisip ko. Sa ngayon ay parang walang pagbabago, parang lumalala pa yata at saka lalo lang akong naging tamad at nakatutok sa mga online activities ko parati.

Hindi na rin ako nagdarasal tulad ng dati. Patawarin sana ako ng Diyos sa aking mga pagkukulang at mga kasalanan. Simula kasi noong naging magkaibigan uli kami ng EX ko, parang nakahiyaan ko na'ng magkumpisal. Kasi, laging ganoon ng ganoon ang mga pangyayari, paulit-ulit na lang.

Iniisip kong bitawan ang DSL namin para magkaroon ako ng panahong makapag-isip nang wasto at para pabagalin ang oras. Kaya lang, parang ang hirap mag-isa dito sa bahay simula alas siyete ng umaga hanggang alas siyete ng gabi eh wala ang mga bata dahil nag-aaral sila. Di kaya maloka naman ako na nakatunganga dito sa bahay?

Nakakalungkot isipin na sa malaon at madali, hindi ko na rin makakayanan ang ganitong pamumuhay at mapipilitan din kaming baguhin ang lahat sa isang taon. Sabi ko sa mga bata, di ko na kayang pag-aralin sila sa isang taon. Malamang ay humanap sila ng trabaho sa ibang bansa at baka ganoon din ang gawin ko. Masakit sa akin ang katotohanang kailangang magkahiwahiwalay kaming mag-iina sa isang taon para mabuhay. Malapit nang maubos ang pera namin mula sa pinagbentahan naming bahay at tuliro ako sa ngayon kung papaano namin haharapin ang buhay sa isang taon.

Sana ay patnubayan kami ng Diyos at ako'y nagpapasalamat dahil maayos pa rin ang buhay namin sa kasalukuyan. Akala ko kasi noon ay mas magiging matalino ang pagdedesisyon ko sa buhay ngayong maluwag-luwag ang buhay namin pero parang naging matatakutin lang ako at pinanghihinaan ng loob dahil magkakalayo kaming mag-iina sa darating na mga buwan... pero sa isang banda, alam ko na hindi kami pababayaan ng Diyos!


Posted on August 26, 2005 04:25 PM TrackBack


butterfly Let me know you were here, your thoughts are welcome!

Jen, I collected some $$$ from generous players by selling BlogShares dollars (B$). I don't have a credit card to enjoy the benifits of eBay online auctions or related stuffs.


Posted by: Laila* on September 13, 2005 01:56 PM

maybe u should use the time that u have online to make a little money and not just killing time for nothing. how about selling online like ebay.ph or other online auction? you can shop from ukay or buy wholesale and sell it there, anyway, just a suggestion:+)


Posted by: jen on September 10, 2005 05:16 AM

Hi,

Im an Iranian boy, diviner boy ;)
see my weblog plz...

by the way, what is the blogshare really???


Posted by: Persian Diviner on August 31, 2005 04:36 PM

Thank you, Jon. And, may God bless you always!


Posted by: Laila* on August 29, 2005 05:09 AM

I'll pray for your requests. I know God will hear your plea.

:-)

Regards.

Jon

p.s.

I got addicted reading your blogs. :-)


Posted by: jonjonbarros on August 28, 2005 09:29 PM

Please write responsibly. Thank you!









Remember personal info?







butterfly
© 2003-2007 Laila*
This site is licensed under a Creative Commons License.