A lifelog of a well-travelled single parent who had a life extension in 2000, blogs indiscriminately about her journey through life fulfilling unfinished business and promises that will soon complete her existence...

::47 Na Ako

Wednesday, June 06, 2007

Ang bilis lumipas ng panahon, 47 anyos na pala ako.

Maagang gumising si Randy para sorpresahin sana ako ng isang masarap na almusal eh kaso mo, may tumawag sa akin para batiin ako kaya nabisto ko tuloy sya na nagluluto pala ng pagkain. Balak pa yatang bigyan ako ng breakfast in bed.

Masaya kaming kumain ni Randy ng almusal. Tulog pa ang mga bata. Ang nakakatuwa kay Randy, kahit seryoso kaming nag-uusap, hinahaluan nya ng biro kaya madalas tuloy, tawa kami ng tawa.

Syempre, madali kaming natapos mag-almusal kasi, kailangan naming gamitin ang aming space programs at regalo excavators, na pwede naming gamitin uli pagkatapos ng 18 oras. Nakakatuwang may nagbigay pa sa akin ng regalo dahil kaarawan ko raw. Maraming bumati kahit papaano. Dyahi nga lang dahil kami ni Randy yata ang pinakamatandang naglalaro ng Unification Wars. Eh ano ba, basta enjoy kaming dalawa at halos hindi namin maramdaman ang oras. Busy kami laging nagpopost ng stacks sa outpost.

Kahit gusto ni Randy'ng umalis kami para kumain sa labas, ewan ko ba pero tamad akong lumabas ngayon. Nagpadeliver na lang ako ng Pizza Hut's Cheezy Pops at KFC. Dumating din si Pearl, kasama si Shiela na may dalang cake, kahit medyo ginabi na sila sa daan. Basta kasama ko mga anak ko at si Randy, kuntento na ako.

Ano ang birthday wish ko? Sekreto ko na iyon, sana mangyari, mabait naman kasi ako...


Posted on June 6, 2007 11:42 PM



butterfly
© 2003-2007 Laila*
This site is licensed under a Creative Commons License.